13 December 2023

Rosary Prayers in Tagalog


Sign of the Cross

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.

Apostles Creed

Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapanyayari sa lahat, na may gawa ng langit at lupa. Sumasampalataya naman ako kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat. Nagkatawang-tao Siya lalang ng Espiritu Santo; ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Ponsio Pilato; ipinako sa krus, namatay at ibinaon. Nanaog sa mga impiyerno; nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit; naluluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyayari sa lahat. Doon magmumula't pariritong huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao. Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, na may Santa Iglesya Katolika; may kamsamahan ng mga Santo, may ikawawala ng mga kasalanan; at mabubuhay na mag uli ang nangamatay na tao, at may buhay na walang hanggan.

Our Father

Ama namin, sumasa-langit Ka. Sambahin ang ngalan Mo. Mapasa amin ang Kaharian Mo. Sundin ang loob Mo dito sa lupa para nang sa langit. Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw. At patawarin Mo kami ng aming mga sala, para nang pagpapatawad namin sa mg nagkakasala sa amin. At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso, at iadya Mo kami sa dilang masama.

Hail Mary

Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya, ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo, bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang iyong Anak na si Hesus. Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan, ngayon at kung kami y mamamatay.

Glory Be

Luwalhati sa Ama at sa Anak at sa Espiritu Santo. Kapara nang sa una, gayon din ngayon at magpakilan pa man sa walang hanggan. Siya nama.

Oh My Jesus

O Hesus ko, patawarin Mo ang aming mga sala. Iligtas Mo kami sa apoy ng impiyerno. Hanguin Mo ang mga kaluluwa sa purgatoryo. Lalong-lalo na yaong mga walang nakakaalaala.

Hail Holy Queen

Aba Po Santa Mariang Hari, Ina ng Awa. Ikaw ang kabuhayan at katamisan; Aba pinananaligan ka namin. Ikaw nga ang tinatawagan namin, pinapanaw na taong anak ni Eva. Ikaw rin ang pinagbunbuntuhang hininga namin ng aming pagtangis dini sa lupang bayang kahapis-hapis. Ay aba, pintakasi ka namin, ilingon mo sa amin, ipakita mo sa amin ang iyong Anak na si Hesus. Santa Maria, Ina ng Diyos, maawain, maalam at matamis na Birhen. V. Ipanalangin mo kami, Reyna ng kasantusantuhang Rosaryo. R. Nang kami'y maging dapat makinabang ng mga pangako ni Hesukristo.

Final Prayer

Panalangin. Diyos at Panginoon namin, na ang bugtong na Anak Mo ay siyang ipinapagkamit namin ng kagalinga't kabuhayang walang hanggan sa pamamagitan ng kanyang pagkakatawang-tao, pagkamatay at pagkabuhay na mag-uli; ipagkaloob Mo, hinihiling namin sa Iyo, na sa pagninilaynilay namin nitong mga misteryo ng Santo Rosaryo ni Santa Mariang Birhen ay hindi lamang matularan namin ang mga magagaling na hamimbawang nalalarawan doon, kundi naman makamtan namin ang mga kagalingang ipinangako sa amin; alang-alang kay Hesukristong Panginoon namin; na kapisan Mo at ng Espiritu Santo nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan. Siya nawa.

No comments:

Post a Comment

Comments are subject to deletion if they are not germane. I have no problem with a bit of colourful language, but blasphemy or depraved profanity will not be allowed. Attacks on the Catholic Faith will not be tolerated. Comments will be deleted that are republican (Yanks! Note the lower case 'r'!), attacks on the legitimacy of Pope Francis as the Vicar of Christ (I know he's a material heretic and a Protector of Perverts, and I definitely want him gone yesterday! However, he is Pope, and I pray for him every day.), the legitimacy of the House of Windsor or of the claims of the Elder Line of the House of France, or attacks on the legitimacy of any of the currently ruling Houses of Europe.